Epektibo ngayong June 18, 2024 ang implementasyon ng malakihang taas presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado.
Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, nasa P1.70 ang dagdag sa kada litro ng Diesel, P0.85 naman sa Diesel habang P1.90 sa Kerosene.
Bagamat hindi na bago ay idinaing ulit ng ilang mga Pangasinan PUV drivers at operators ang big time price hike partikular umano ang tila pagbawi agad kasunod ng naranasang rollback nitong nakaraang linggo lamang.
Maging ilang mga motorista ay dismayado rin sa kasadong oil price hike.
Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) bunsod ito ng naitalang pagtaas sa inaasahang demand ng langis ng iba’t ibang mga ahensya sa mundo at ang pabago-bagong paggalaw sa presyo ng langis sa internasyunal na merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments