𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢

Problema ngayon ng ilang PUV Drivers sa lungsod Dagupan ang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na kasado na ngayong araw, July 2, 2024.

Batay sa abiso ng mga oil companies, inaasahan ang dagdag presyo sa kada litro ng mga sumusunod:

– Gasoline – P0.95
– Kerosene – P0.35
– Diesel – P0.65

Bagamat hindi na bago ay inalmahang muli ng ilang mga PUV drivers at operators sa lungsod ang price hike lalo na magkakasunod itong inimplementa.

Ayon sa Ilang tricycle drivers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, apektado umano ang kita ng mga ito bunsod na rin ng matumal na sakayan ng pasahero dahil walang pasok ang mga estudyante sa lungsod hanggang July 28.

Nauna nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na bunsod ito ng naitalang pagtaas sa inaasahang demand ng langis ng iba’t ibang mga ahensya sa mundo, ang paghihigpit sa oil production ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at umiiral na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments