𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜-𝗦𝗔𝗥𝗜 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗠𝗢𝗗𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Ilang sari-sari store owner sa Brgy. San Miguel, Calasiao ang biktima ngayon ng Pekeng pera modus.

Ayon sa isang sari-sari store owner sa barangay, pekeng pera umano ang ibinabayad ng dalawang kalalakihan na lulan ng motorsiklo at nagpapakilalang bumibili ng kaha ng sigarilyo.

Isa sa mga ito umano ang naghihintay lamang sa motorsiklo at kapag naibayad na ang pekeng pera sa kanilang mga biktima kakaripas paalis.

Dahil dito, nag-abiso ang barangay council na huwag basta-basta magtitiwala at tingnang maigi ang perang ibinabayad ng mga customer.

Naireport na rin sa tanggapan ng pulisya ang serye ng naturang modus sa barangay kung saan nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon upang mahuli ang mga gumagawa ng naturang modus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments