Nanawagan ang ilang senior citizens sa Dagupan City sa pamahalaan ng karagdagang benepisyo para sa mga ito.
Ayon sa panayam ng IFM News Team sa mga seniors, hiling umano ang pagbubukas ng oportunidad upang makapagtrabaho ang mga ito sa kabila ng kanilang edad, sa pagsasaalang-alang umano ng kanilang ikabubuhay sa pang araw-araw.
Ang iba naman, iginiit ang pagkakaroon sana ng mandatong pantay pantay na pagtanggap particular ang Social Pension, at hindi pili lamang.
Kaugnay nito, matatandaan na sa ilalim ng Republic Act No. 11916 o ang Social Pension Program, nakatakdang makatanggap ang mga indigent senior citizens ng isang libo buwan buwan.
Saklaw nito ang kwalipikasyon kung mahirap, may sakit, walang natatanggap na pension sa anumang institusyon at walang source of income.
Inaasahan ng mga senior citizens na kabilang sa mababanggit sa magaganap na SONA ngayong araw ay ang mga programang nakalaan para sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨