𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔

Idinaan sa social media ng ilang small business establishments na apektado ng road and drainage elevation ang kanilang patuloy na daing sa nararanasang hirap habang isinasagawa ang konstruksyon.
Sa isang tiktok post ng isang small business na nakabase sa Dagupan City, inihayag nito ang daing sa hirap na dinadanas ng kanilang maliit na negosyo dahil sa kasalukuyang konstruksyon ng daanan.
Nakakalap naman ito ng samut saring reaksyon at opinyon mula sa mga apektado rin ng konstruksyon.

Ang ilan naiintindihan ang daing ng mga small business establishments ngunit kailangan umano nilang harapin ang mga sakripisyo para sa ikabubuti rin umano ng syudad.
Samantala, ang ilang estudyante rin ay napa-comment sa naturang post ukol sa nararanasan rin nilang hirap papasok sa kanilang mga paaralan.
Sa ngayon, patuloy pa din ang konstruksyon ng naturang kakalsadahan at ginagawa naman ng DPWH R1 katuwang ang LGU Dagupan ang lahat ng kanilang makakaya para agarang matapos ang naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments