𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔𝗕𝗔𝗦

Inatake ng harabas ang ilang taniman ng sibuyas sa bahagi ng Barangay Ican, Malasiqui.
Ayon sa mga magsasaka, unti-unting kinakain ng mga harabas ang dahon ng kanilang mga pananim na umaabot sa mga bunga nito.
Bagamat umaasa ang mga magsasaka na makapag-ani na sa buwan ng Marso, aminado silang kakaunti ang kanilang aanihin dulot ng nasabing pamemeste kasabay na rin ng mainit na panahon.
Pangamba rin ng mga magsasaka ang paglipana ng mga smuggled na sibuyas at ang pagsadsad ng presyo nito sa merkado na umaabot lamang sa P30-P32 ang kada kilo.
Sa ngayon, patuloy ang pagpapatubig sa mga nasabing taniman upang maibsan ang pagkalat ng harabas, gayundin ang epekto ng lumalang el niño.
Nagsasagawa naman ng aksyon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang malampasan ito.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments