Umaasa ang ilang tindera ng bulaklak sa Pangasinan na dadagsa ang mamimili ng bulaklak ngayong araw ng Undas matapos maranasan ang matumal na bentahan sa nakalipas na araw.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa mga vendors, kung susumahin, mas malakas umano ang naging bentahan noong nakaraang Undas.
Anila, posibleng isa sa dahilan nito ay dahil sa nararanasang mga pag-uulan nitong mga nakaraang araw sa lalawigan.
Kampante naman ang ilang tindera na sapat lamang ang kanilang kinuhang suplay upang hindi malugi. Samantala, asahan umano na mas tataas ang presyo ng bulaklak ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments