π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗧𝗒𝗨π—₯π—œπ—¦π—§ π—£π—Ÿπ—”π—–π—˜π—¦ 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ 𝗑𝗒π—₯π—§π—˜, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—₯𝗔 π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—¬π—’

Pansamantala munang isinara ang ilang tourist places sa Ilocos Norte dulot dahil sa epekto ng Bagyong Julian.

Ayon sa Ilocos Norte Tourism Office, pansamantala munang isinara ang Kapurpurawan, Cape Bojeador Lighthouse, at MalacaΓ±ang of the North.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga bisita at ng publiko.

Pinapayuhan rin ang publiko na umiwas muna sa dagat o iba pang mga lugar na may mataas na tsansa ng aksidente.

Inirerekomenda rin ng tanggapan ang pagpapaliban muna ng mga magpaplanong bumiyahe papunta ng probinsya hanggang bumuti ang kondisyon ng panahon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments