𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡

Kabilaan ang isinasagawang pagsasaayos sa kakalsadahan na parte ng drainage upgrade at road elevation ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa lungsod ng Dagupan.

Dahil dito, mabigat na trapiko ang madalas na maranasan ng ilang motorista sa mga isinasaayos na kalsada sa bahagi ng Tapuac, Pere, maging sa MH Del Pilar St.

Upang hindi magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko, hindi na muna ginagamit ang ilang traffic lights. Mano mano ang pagmamando ng traffic ng mga POSO Enforcers.

Ayon sa POSO, parte rin ito ng pagpapabilis ng konstruksyon sa mga kalsada upang mas mapabuti ang byahe ng mga motorista.

Samantala, payo ng awtoridad, magbaon ng mahabang pasensya sa traffic na nararanasan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments