𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗟𝗘

Ilang tricycle operators at drivers mula sa bayan ng Asingan at Sta. Maria ang nakatanggap ng rice retail business kit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1.

Ito ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag kita sa mga kwalipikadong benepisyaryo partikular sa mga kumikita ng mababa pa sa minimum wage.

Ayon kay Jenny Mapile, Labor Information Officer-Designate of DOLE-Region 1, nakapaghandog ang ahensya ng aabot sa P499,266 sa Sta. Maria at P749,986 naman sa mga samahan ng tricycle operator at driver sa Asingan.

Pagbabahagi ng isang benepisyaryo, malaking tulong ang naturang programa para sa mga kumikita ng P200 hanggang P300 sa isang araw.

Sa kabuuan nasa 61 na indibidwal mula Sta. Maria at 42 naman sa Asingan ang naitalang benepisyaryo.

Garantiya ni Mapile, nakaantabay ang kagawaran upang alalayan ang mga disadvantaged workers sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments