Ilang negosyante sa public market ng Mangaldan ang nagrereklamo sa di-umano’y pageextend ng pwesto ng ilan sa mga kapwa nila negosyante o mga vendors lalo sa bungad mismo ng daanan papasok ng naturang market.
Kaya naman madalas ngayon ang pagmomonitor ng awtoridad sa mga nagtitinda roon at madalas rin ang paninita sa mga matitigas ang ulong nagbebenta.
Naaapektuhan na umano kasi ang kita ng ilan sa mga negosyante roon lalo ang mga nasa loob mismo ng public market dahil nahaharangan na ang daanan sa gilid-gilid dahil sa pag-eextend ng pwesto ng ilan sa kasama rin nilang nagbebenta sa public market.
Dahilan rin umano ito para sumikip ang mga daanan sa naturang public market at mahirapang makapaglibot at makapamili ang mga konsyumer.
Samantala, araw-araw naman ang pagmomonitor at pagbisita ng Mangaldan Public Market division para masiguro na lahat ay pantay na nagbebenta at hindi nag-eextend ng mga pwestong kanilang pinagbebentahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨