Cauayan City – Mahigpit na babantayan ng mga miyembro ng Angadanan Police Station ang mga ilog sa nasasakupan ng bayan ng Angadanan ngayong Semana Santa.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Police Captain Alex Galutera, Officer-In-Charge ng Angadanan Police Station, noong mga nakaraang taon na panahon ng Semana Santa ay nakapagtala sila ng insidente ng pagkalunod.
Dahil dito, mahigpit ang gagawin nilang pagbabantay sa mga ilog partikular na sa area ng Brgy. Salay at Pigalo kung saan madalas makapagtala ng mga insidente katulad ng pagkalunod.
Dagdag pa ni PCPT Galutera, makikipagtulungan rin sila sa Municipal District Risk Reduction and Management Office at Rescue Team ng Angadanan, Kabalikat Radio Communication, BFP, at Barangay Officials na malapit sa Cagayan River.
Ayon kay PCPT Galutera, maglalagay rin sila ng mga warning signs sa mga ilog na madalas ay pinupuntahan ng nga tao tuwing panahon ng Mahal na araw upang magsilbing babala at paalala sa mga ito.