Nagsimula na ang implementasyon ng pagsusuot ng reflectorized vest at visibility material sa mga motorista sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na inihain ni SP Member Jerry Rosario sa Sangguniang Panlalawigan ang naturang batas bilang pagprotekta sa motorista at pagbaba ng bilang ng mga nasasangkot sa aksidente sa Pangasinan.
Ang ilan sa motorista,naglagay ng kanilang mga visibility material sa kanilang mga sasakyan at nagsuot ng reflectorized vest upang hindi na masita pa.
Ilang motorista rin ang gumawa ng improvised visibility material gaya ng pinagsama-samang bote ng softdrinks at inilagay sa kanilang mga sasakyan.
Pabor umano ang ilang motorista sa probinsya dahil makatutulong umano ito sa kanilang kaligtasan sa gitna ng kalsada at maiwasan na masangkot sa road accidents.
Batay sa kautusan, dapat na magsuot ng reflectorized vest ang mga motorista at dapat lagyan ng visibility material ang kanilang mga sasakyan tulad ng motorsiklo, tricycle, at bike.
Haharap sa karampatang penalty ang sino mang hindi sumunod sa ipinatutupad na ordinansa.
Maaaring magmulta ang lalabag dito hanggang sa 5,000 sa ikatlong opensa at hindi aabot ng isang taong pagkakakulong base sa desisyon ng korte para sa ikaapat na offense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨