
Cauayan City – Muling magtatapat sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., sa isang professional rematch na nakatakdang ganapin sa Setyembre 19 sa Sphere sa Las Vegas.
Ipapalabas nang live ang laban sa Netflix, ayon sa anunsyo ng kampo ng dalawang boxing legend.
Magbabalik si Mayweather sa professional boxing matapos ang ilang exhibition bouts mula nang magretiro noong 2017. Huli siyang lumaban sa pro bout laban kay Conor McGregor kung saan nanalo siya via 10th-round TKO.
Samantala, si Pacquiao, 47, ay nagretiro noong 2021 upang tutukan ang kanyang karera sa politika ngunit bumalik sa ring noong Hulyo laban kay Mario Barrios para sa WBC welterweight title na nagtapos sa draw.
May kabuuang 62 wins sa 73 fights si Pacquiao at nagkampeon sa walong weight divisions.
Ang una nilang paghaharap noong 2015, na tinaguriang “Fight of the Century,” ay nagtala ng rekord sa pay-per-view at live gate revenue.
Noon ay nanaig si Mayweather via unanimous decision, ngunit ngayon ay muling magtatagpo ang dalawang boxing legends para sa isa na namang makasaysayang laban.
Photo credit: Netflix/FB
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










