𝗜𝗡𝗖𝗨𝗠𝗕𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗕𝗘𝗟𝗘𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱

Eksakto alas nwebe ng umaga kahapon, inihain ni Incumbent Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang kaniyang kandidatura para sa 2025 Midterm Elections.

Naunang dumalo ang alkalde at siyam na kapartido nito sa isang misa na idinaos sa St. John the Evangelist Cathedral na dinaluhan din ng daan-daang supporters.

Kabilang sa mga bumubuo sa Team ‘Unliserbisyo’ ay sina Incumbent Vice Mayor Bryan Kua, Former Councilor Michael Fernandez, Jigs Seen, Chito Samson, Joey Tamayo, Karlos Reyna, Marvin Fabia, Joshua Bugayong, Dra. Jalice Cayabyab at Christel Paras.

Si Fernandez pa lamang ang nakapaghain ng COC para sa pagka alcalde sa lungsod nang magsimula ang COC filing noong October 1.
|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments