𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗖𝗜𝗣 𝗥𝟭

Nakatakdang isagawa ng National Commission on Indigenous Peoples Region 1 ang Indigenous Peoples Summit sa darating na October 11 sa Cabaroan, San Emilio, Ilocos Sur. Inaasahang magbubuklod-buklod ang mga katutubo mula sa iba’t-ibang panig sa buong Ilocos Region. Bibigyang-pagkilala ang mga tradisyon, kultura, at mga dunong na siyang kumakatawan at bumubuo sa mga katutubo ng rehiyon.

Alinsunod ang naturang pagdiriwang sa National Indigenous Peoples’ Month sa selebrasyon ng 27th Indigenous Peoples Rights Act No. 8371 (IPRA).

Hinikayat ng NCIP R1 ang mga residente sa rehiyon na makiisa sa pagtataguyod pa ng AWENG o Affirming the Indigenous Way of Life Echoing ot the New Generation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments