𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝟯.𝟭%

Bahagyang tumaas ang naitalang inflation rate sa lalawigan ng Pangasinan noong Hulyo.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 3.1% ang inflation ngayong Hulyo, mas mataas kumpara noong Hunyo na nasa 2.7% at 2.6% naman noong buwan ng Mayo.

Ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagtaas nito ay ang mga sumusunod:

Food at non-alcoholic beverages, na may 7.2%
Clothing at footwear, 4.0%
Housing, water, electricity, gas, 3.0%
Recreation, sport, 1.9%
Education services, 6.4%
Transport, 3.4%

Bumilis din sa 3.3% ang kabuuang inflation sa buong Ilocos Region nitong Hulyo na mas mataas kumpara sa 2.8% sa nagdaang buwan ng Hunyo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments