Sumadsad ang naitalang headline inflation sa lalawigan ng Pangasinan nitong nagdaang buwan ng Agosto ngayong taon.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, naitala ang nasa 1.9% na August inflation rate sa lalawigan kung saan mas mababa ito kumpara sa 3.1% na naitala noong buwan ng Hulyo sa kasalukuyang taon.
Isa sa pangunahing nakakaapekto sa pagbaba nito ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na bumaba ng 2.6% mula sa 6.5% noong July 2024.
Kabilang pa sa mga salik ay ang Education services, Transport, Restaurants and Accommodation Services.
Samantala, bumaba rin ang kabuuang inflation ng Ilocos Region na nasa 1.8% nitong Agosto mula sa 3.3% noong Hulyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments