Inaasahang bababa ang maitatalang inflation rate ngayong buwan ng Abril ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Kasunod ito ng nagsimulang dry harvest season ng ng palay nitong nagdaang buwan ng Marso.
Matatandaan tumaas sa 3.7% ang inflation rate sa buwan ng Marso, mas mataas kumpara sa 3.4% noong buwan ng Pebrero na naitala ng Philippine Statistics Authority.
Saklaw nito ang nakitang pagtaas sa food and non-alcoholic beverages namula 4.6% sa Pebrero naging 5.6% nitong Marso; transport n amula sa 1.2% naging 2.1%; at restaurants and accommodation services mula 5.3% to 5.6%.
Sa Ilocos Region, naitala ang 2.2% na inflation rate kung saan nakapagtala ng pinakamataas na inflation ang La Union sa bilang na 3.7%, at sinundan ng Pangasinan sa 2.5%. |πππ’π£ππ¬π¨