Umakyat sa 3.9% ang naitalang inflation rate o antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kalakal at serbisyo sa bansa sa nagdaang buwan ng Mayo ngayong taon.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa naitalang inflation nito lamang buwan ng Abril na nasa 3.8%, bagamat mas mababa ito kumpara sa 6.1% na naitala noong May 2023.
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ilan sa mga salik na na nakaapekto ng inflation rate ay ang tubig, kuryente, krudo at iba pa.
Samantala, nakapagtala ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng pinakamataas na inflation rate sa 5.9% habang pinakamababa naman ang naitala sa Ilocos Region na nasa 2.3%. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments