𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗗𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗣𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢

Naitala ng Philippine Statistics Authority ang muling pagbaba ng inflation sa Ilocos Region nitong nakalipas na buwan ng Enero 2024.

Base sa pinakahuling datos ng PSA, sumadsad sa 1.5% ang inflation sa rehiyon nitong Enero mas mababa mas mababa ng 0.8 percentage points noong buwan ng Disyembre 2023 na nasa 2.3 porsyento lamang.

Malaki ang ibinaba nito kumpara sa parehong panahon noong Enero 2023 na pumalo sa 9.3% ang inflation sa rehiyon mas mababa ng 7.8 percentage points.

Isa sa dahilan ng pagbaba ng inflation ay ang mas mabagal na inflation rate ng pagkain at mga inuming hindi nakalalasing.

Ayon naman kay Philippine Statistics Authority (PSA) Ilocos Region chief administrative officer Camille Carla Beltran na bumaba ang food index sa Ilocos Region sa 4.7 percent noong Enero 2024 mula sa 5.7 percent mula sa nakaraang buwan ng Disyembre 2023.

Tinukoy pa ni Beltran ang iba pang mga salik sa mas mabagal na inflation rate nitong Enero, kabilang ang mga presyo ng mga inuming alcohol, damit at sapatos, kasangkapan, kagamitan sa kabahayan, at maintenance sa bahay, kalusugan, transportasyon; impormasyon at komunikasyon, libangan, palakasan at kultura; mga serbisyo sa restawran at tirahan, at personal care, iba’t ibang mga produkto, at mga serbisyo.

Gayunpaman, ang pagbilis ng inflation rate para sa pabahay, tubig, kuryente, gas at krudo at edukasyon habang ang mga financial services ay hindi nagbabago.

Nag-post ang La Union ng pinakamataas na inflation sa rehiyon sa 3.1%, sinundan ng Pangasinan, 2.1%, Ilocos Norte na ma 0.8% habang ang Ilocos Sur ay nag-post ng deflation na -2.4%. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments