Pinaigting ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking-Child Pornography-Violence Against Women and their Children (RIACAT-CP-VAWC) ang mga programa at interbensyon na pumuprotekta sa mga biktima ng Trafficking in Person (TIP).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 1, ilan sa programang ito ay information caravan para sa pagpapataas sa kamalayan ng publiko at adbokasiyang pagprotekta laban sa trafficking in person.
Anila, kamakailan ay nagsagawa ang mga ito ng information caravan sa bayan Binalonan.
Inihayag naman ng DOJ R1 na ang lahat ng mga biktima ay sumasailalim kanilang witness protection program. Dito sa Region 1, mayroon dalawang biktima ng trafficking in person o TIP ang nasa ilalim ng naturang programa.
Sa ilalim rin ng Board of Claims for Victims of Unjust Detention and Violent Crimes ng DOJ, makatatanggap ng nasa sampung libong piso bilang compensation o reimbursement ang mga biktima ng hindi makatarungang detensyon, mga akusado, napagbintangang suspek, o nakaranas ng bayolenteng krimen.
Isa umano ito sa interbensyon ng gobyerno upang maibalik ang kanilang dignidad sa kabila ng kanilang mga naranasan bilang biktima ng trafficking in person. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨