Paiigtingin ng Bureau of Fire Protection (BFP) Calasiao ang information Drive patungkol sa pag-iwas sa paputok.
Ayon sa tanggapan ng BFP Calasiao, taon-taon ang isinasagawang Oplan Iwas Paputok.
Noong 2023, wala naman umanong naitalang kaso ng fire-related incidents sa bayan na may kinalaman sa paputok.
Nakatakdang mag-ikot ang BFP upang paalalahanan ang mga residente sa pag-iwas sa paputok nang maiwasan rin ang sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments