𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗢𝗔𝗗𝗦𝗛𝗢𝗪 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗜𝗗𝗘𝗬𝗔 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗘𝗢𝗣𝗧 𝗟𝗔𝗪

Kasalukuyang isinasagawa ng Bureau of Internal Revenue District Office 1 ang Roadshow na naglalayong magbigay kaalaman sa mga taxpayers sa Ilocos Region ng mga nakapaloob sa Ease of Paying Taxes (EOPT) Act.

Binigyang diin ni Carmelito Caday, ang pinuno ng Client Support Unit ng tanggapan, nais ipaalam ang mga benepisyo ng mga taxpayers sa ilalim ng naturang batas.

Paliwanag ni Caday, sa ilalim ng EOPT Act mas pinasimple ang tax filing partikular sa mga micro and small taxpayers sapagkat karamihan sa mga proseso ay maaari nang gawin online.

Nakapaloob sa naturang batas ang pagpapatibay ng pinagaan na proseso ng tax returns, pagbabawas ng documentary requirements at pagkamit ng BIR services sa digital.

Tatalakayin sa naturang roadshow ang mga implementing rules and guidelines, vision at punto ng Ease of Paying Taxes Law. Inaasahang abot isang libong indibidwal ang makikiisa sa aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments