𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Ikinababahala ngayon ng mga residente sa bayan ng Urbiztondo ang pagkawala ng kanilang mga ipinapastol na alagang hayop.

Ayon sa PNP Urbiztondo, Nakatanggap na ng ilang reklamo mula sa iba’t-ibang barangay ang kanilang tanggapan ukol sa nasabing nakawan.

Ilan lamang sa mga ninakaw umano ay alagang baka, kambing at kalabaw.

Dahil dito, nagpaalala ang tanggapan na huwag iwanan sa bukid ang mga alagang hayop tuwing Gabi at maging mapagmatiyag sa mga indibidwal na dumarayo sa lugar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa naturang insidente upang mahuli ang gumagawa ng pagnanakaw sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments