Paiigtingin ng National Meat Inspection Service Region I ang inspeksyon sa mga binebentang karne sa mga pamilihan ng rehiyon ngayong papalapit ang Christmas Season.
Ayon sa Supervising Meat Control Office ng National Meat Inspection Service (NMIS RTOC 1), paiigtingin nila ang inspeksyon at kanilang pag-iikot sa labas ng mga slaughter house.
Babantayan rin nila ang mga supermarket, mga bentahan ng karne at sa palengke nang sa gayon ay masigurong talagang sumusunod ang mga ito sa kanilang alituntunin.
Ilan din sa isinasagawa nila ay ang pagpapalakas ng kanilang pagbibigay kaalaman sa mga panuntunan ng tanggapan nang sa gayon ay maging maalam ang mga meat vendors.
Samantala, may na-isyu na ang tanggapan ng warning sa mga lumabag sa kanilang polisiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨