CAUAYAN CITY – Ikinasa ngayong madaling araw ng ika-10 ng Mayo ang Counter-Insurgency Operation sa bahagi ng Sitio Ebi, Barangay Lapi Peรฑablanca, Cagayan.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng 502 Infantry Division, Philippine Army.
Sinabi ni Army Major Rigor Pamittan, Chief ng Division Public Affairs Office, 5ID, PA na pangunahing layunin ay ang sugpuin ang nalalabing grupo ng mga terorista partikular na ang miyembro ng Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley.
Samantala, nagdulot naman ito ng pangamba sa kapuluan ng Peรฑablanca dahil sa sunod-sunod na paglipad doon ng air assets na nagsimula bandang alas-dos ng umaga.
Facebook Comments