𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Binigyang-diin ng bagong talagang Provincial Director ng Pangasinan PNP ang pagpapatupad ng internal cleansing program sa kanilang hanay.

Ayon kay PCOL Rollyfer Capoquian, bahagi ito ng kanyang programa na Pulis ng Pangasinan Magaling at Maasahan upang mapataas pa ang imahe at kredibilidad ng kapulisan sa publiko.

Sa ilalim ng programang ito, mahigpit na oobserbahan ang “tamang bihis” policy sa mga uniformed personnel at sasailalim sa financial literacy seminars upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa pangongotong.

Maliban dito, layunin ng programa na tahakin ng mga pulis sa probinsiya ang tamang landas upang hindi masangkot sa mga ilegal na gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments