Muling pinaalalahanan ng DOH-Center for Health Development Ilocos Region ang publikong may mga comorbidities na maghinay-hinay din sa pagseselebra ngayong holiday season.
Ayon kay Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis, bukod sa mga naitatalang firecracker-related incidents na kanilang naitalala tuwing pagkatapos ng holiday season ay isa aniya sa kanilang naitatala na may pinakaramaraming kaso ay ang mga may cardiovascular disease.
Ilan lamang sa mga kabilang dito ay ang mga taong tumataas ang kanilang blood pressure, blood sugar at iba pa.
Ayon pa sa kaniya, nagkakaroon ng ganitong mga aksidente dahil sa hindi pagkakaroon ng kontroladong pagkain o hindi makontrol na sitwasyon na nagiging sanhi ng hindi inaasahang pangyayari.
Binigyang-diin nito na huwag kalimutan na mayroong comorbidities ang ilang publiko.
Ipinaalala rin ng opisyal ang pag-inom ng maintenance na gamot sa mga taong may comorbidities o may sakit na inumin ito sa tamang oras.
Idinagdag pa nito ang hindi dapat pagkain ng Matataba, matatamis at maaalat na mga handa upang maiwasang makakuha ng komplikasyon upang ligtas sa susunod na taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨