
βCauayan City – Ikinagagalak ng lalawigan ng Isabela ang tagumpay ng tubong San Mariano na si Jerald Timbreza Corpuz matapos niyang makumpleto ang The World Fitness Race β HYROX 2026 na ginanap sa Mandalay Bay Convention Center sa Las Vegas, Nevada.
β
βNaitala niya ang oras na 1:38:06 laban sa libo-libong kalahok mula sa ibaβt ibang bansa.
β
βAng HYROX ay isang pandaigdigang fitness competition na pinagsasama ang pagtakbo at ibaβt ibang functional workout stations. Kilala ito bilang βWorld Series of Fitnessβ dahil sa matinding pagsubok nito sa lakas, tibay ng katawan, at endurance ng mga atleta.
β
βBukod sa pagiging atleta, si Corpuz ay isang registered nurse sa Pilipinas, Saudi Arabia, at Estados Unidos. Nagsimula lamang ang kanyang fitness journey noong Disyembre 2023 ngunit agad niyang napatunayan ang kanyang kakayahan sa international fitness racing event.
β
βSa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang ICU nurse sa California Pacific Medical Center β Van Ness Campus sa Estados Unidos.
Photo credit: Jerald Timbreza Corpuz
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










