π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—™π—˜π—₯𝗑𝗔𝗑𝗗𝗒 π—–π—œπ—§π—¬, π—•π—œπ—‘π—”π—›π—” π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 𝗗π—₯π—”π—œπ—‘π—”π—šπ—˜ 𝗑𝗔 π—§π—”π— π—•π—”π—ž π—‘π—š 𝗕𝗔𝗦𝗨π—₯𝗔

Tambak na basura sa drainage ang nakikitang dahilan nang pagbaha sa Brgy. Catbangen, San Fernando City, La Union matapos ang tuloy-tuloy na pag-uulan dahil sa Bagyong Enteng.

Namroblema ang mga residente sa naturang barangay dahil sa maaring epekto nito sa kanilang kalusugan.

Dahil dito, nagsagawa ng agarang declogging at clearing operation ang Provincial Engineering Office upang maalis ang kumpol ng basura at maging maayos ang daloy ng tubig.

Samantala, sa Brgy. Sta. Rita East ng bayan ng Aringay bahagyang napinsala ang provincial road.

Agad namang naireport sa DPWH upang maiwasan ang aksidente sa mga motorista. Maliban dito, passable naman ang lahat ng kakalsadahan sa probinsiya ng La Union. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments