𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗗𝗗𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗔𝗟𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Talagang “happy” ang naging pagdiriwang ng ika 100 kaarawan ni lola Librada Cereno ng Barangay Poblacion, Mangaldan nitong August 8, (2024) dahil kasabay mismo ng kaniyang selebrasyon ay ibinigay sa kaniya ang P10,000 cash incentive mula sa lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ng alkalde ng bayan ang pag-abot ng regalong ito kay lola, kasama ang kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office(MSWDO).

Nakatakda ring tumanggap ng 100,000 cash incentive si Lola Librada Alinsunod sa mandato ng Republic Act 10868 o Centenarian Act of 2016, ngayong buwan.

Samantala, pinatumba man ng karamdaman ay muling bumangon ang pag-asa sa buhay ang isang bed ridden patient mula sa barangay Osiem na maging benepisyaryo ng buwanang financial assistance ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.

Dahil sa stroke, nawalan na ng kapasidad makapag hanap buhay ang 51 yrs old na si Maricel Ocampo.

Magsisimula ngayong buwan ang naturang monthly financial assistance para sa kaniya na malaking tulong lalo na sa mga gastusin sa pambili ng kaniyang mga gamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments