Matagumpay na ipinamahagi ang kabuuang isang milyong halaga ng libreng voucher para sa medical services at gamot ng mga benipsyaryo sa bayan ng Bayambang.
Sa datos, nasa kabuuang 462 na indigent mula sa lahat ng barangay sa bayan ang nakatanggap ng naturang voucher mula sa Abono Partylist.
Sa 77 barangay ng bayan, anim na benipsyaryo ang tatanggap kada isang barangay kung saan ang voucher ay nagkakahalaga ng tig-dalawang libong piso para sa medical services at gamot.
Layunin ng tulong na ito sa mga indigent patients sa bayan ay upang mabawasan ang pasanin ng mga ito sa pinaNsiyal.
Laking pasasalamat ng mga nabenEpisyuhan sa naturang tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments