𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

Pinaghahandaan na ngayong ng LGU Bayamabang ang pagsasagawa ng malawakang Census 2024 sa darating na Hunyo para mangalap ng wastong datos sa iba’t ibang barangay nito.

Ito ay upang mapag-alaman kung anu-ano nga ba ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan na dapat pagtuunan at mabigyan ng karampatang aksyon.

Inihayag ni Municipal Administrator Atty. Rodelyn Rajini Vidad na importanteng makakalap ng wastong datos sa mga barangay para madiagnose ng tama ang kailangan talaga ng isang barangay nang sa gayon ay mapagtagumpayan nila ang rebolusyon laban sa kahirapan.

Samantala, ang proyekto naman na ito ay isasagawa sa tulong Philippine Statistics Authority kung saan magha-hire ng mga enumerators sa pagkalap ng mga datos mula sa bawat kabahayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments