CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala sa mga konsyumer ang Isabela Electric Cooperative 01 kaugnay sa pamumutol ng kuryente ng mga hindi nagbabayad ng kanilang konsumo.
Paliwanag ng kooperatiba, ang hakbang na ito ay alinsunod sa kanilang disconnection policy.
Kabilang sa mga puputulan ng kuryente ay may isang buwan o higit pa na pagkakautang sa kanilang konsumo.
Layunin ng inisyatibong ito na matugunan ang pangangailangan ng kooperatiba nang hindi humantong sa pagkalugi at nang sa gano’n ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagsusuplay ng elektrisidad sa lahat ng member-consumer-owners nito.
Pormal na nagsimula ang disconnection unang araw ngayong buwan ng Hulyo.
Hinihikayat din ng ISELCO-1 ang MCO na ugaliing magbayad ng buwanang bayarin siyam (9) na araw pagkatapos matanggap ang Statement of Account (SOA).