𝗜𝗦𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗘𝗣𝗦 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗧𝗥𝗢𝗨𝗣𝗘, 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗦

Cauayan City – Muling ipinamalas ng mga ISUdyantes ang kanilang angking talento matapos mag-uwi ang mga ito ng karangalan sa Rehiyon Dos.

Ang STEPS Dance Troupe ang siyang naging representative ng rehiyon sa 11th National Culture and Arts Festival 2024 sa Indigenous Dance Competition na naganap sa Metropolitan Theater sa Metro Manila.

Sa 14 na State Universities and Colleges na lumahok, tagumpay nilang nasungkit ang ika-limang pwesto sa prestihiyosong kompetisyon matapos nilang iperform ang “Takiling” o mas kilala bilang isang celebratory dance mula sa Kalinga.


Samantala, itinanghal naman bilang Champion ang National Capital Region, ikalawa naman ang Region 3, ikatlo ang Region 6, habang ika-apat naman ang Region 1.

Facebook Comments