Umaasa ang ilang Dagupeño na masasagot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sa isyu ng ‘OPLAN TOKHANG’ sa pagharap nito sa House Quadcom kaugnay sa umano’y Extra Judicial Killings sa laban kontra iligal na droga sa kaniyang administrasyon.
Ayon sa ilang Dagupeño na nakapanayam ng IFM Dagupan, kinakailangang masagot umano ito dahil may mga napapabalitang inosenteng indibidwal na nadadamay lamang o napagbibintangang drug addict.
Ang ilan gustong malaman ang proseso umano o pamantayan ng kapulisan sa mga indibidwal na nasasangkot sa illegal na droga.
Samantala, bagamat impossible umano na mawakasan ang problema sa illegal na droga ng bansa, naniniwala silang mapapanagot ang totoong may sala.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments