π—œπ—§ π—˜π—«π—£π—˜π—₯𝗧, π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š π——π—œπ—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—§π—”π—”π—¦ π—‘π—š π—žπ—”π— π—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—–π—¬π—•π—˜π—₯π—¦π—˜π—–π—¨π—₯π—œπ—§π—¬

Binigyang diin ang kahalagahan ng awareness programs ukol sa cyber security ngayong kaliwat-kanan ang nararanasanang uri ng threats sa cyberspace sa bansa.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Region 1 Regional Director ng Cybersecurity Society of the Philippines Dr. Diosdado Caronongan, sinabi nito na kailangang maging maalam at matalino ang publiko ukol sa mga naglipanang scam ngayon tulad na lamang ng malware at phishing maging ang epektong dulot nito sa cyber accounts ng mga indibidwal.

Aniya, dahil sa AI-generated technologies ay mas madaling makapangloko ang mga mapagsamantala dahil wala nang kahirap-hirap na nakawin ang ilang mahahalagang personal na impormasyon kung walang sapat na kaalaman paano maprotektahan ang mga accounts.

Inihayag din nito na nararapat lamang palakasin ang industriya ng cybersecurity ng bansa at pagtuunan ito ng pansin upang manatiling maging protektado lalo na sa gobyerno na mayroong mahalagang dokumento ng bansa.

Samantala, paalala pa nito na maging alisto sa mga nakukuhang free subscription dahil mayroon itong kalakip na cyberthreat sa software. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments