Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong palengke ng Manaoag sa pangunguna ng alkalde nito.
Ang 2-storey public market na may parking area ay pinondohan mula sa loan ng Land Bank of the Philippines na nagkakahalaga ng 239.6 milyong piso.
Ayon sa alkalde ng Manaoag, malaki ang maitutulong ng bagong palengke sa ekonomiya ng bayan ng Manaoag dahil inaasahan rin dito na bibili ang mga bisita at deboto ng Basilica Minor ng Manaoag.
Aniya, umaabot sa 56,000 ang pumupuntang bisita kada linggo, o kabuuang 8 million katao ang dumadalo sa Manaoag kada taon.
Dagdag pa ng alkalde, napapanahon na magkaroon ng bagong palengke ang Manaoag dahil ang mga bumibisita sa bayan ay namamalengke pa sa mga katabi nilang bayan.
Humingi rin ng pasensya at pag-unawa ang alkalde sa mga naapektuhang vendors habang ginagawa ang proyekto. |πππ’π£ππ¬π¨