Isinagawa ng Office of the Civil Defense Region 1 ang “Juan for Treesielience”na isang tree planting at tree growing activity sa La union kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.
Bahagi ito ng pagsuporta ng ahensya na panatilihin at patuloy na pangalagaan ang natural ecosystem, biodiversity, maiwasan ang paglala ng climate change, at ang importansya ng mga puno sa pagbawas ng kapahamakan tuwing may sakuna o kalamidad.
Mga namumungang punongkahoy ang sabay-sabay na itinanim ng OCD Region kasama ang ilang ahensya ng gobyerno at mag-aaral sa bahagi ng Brgy. Cabarsican sa San Fernando City.
Pinasalamatan ng ahensya ang ilang boluntaryo para sa kanilang dedikasyon na tumulong para sa kalikasan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments