𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢 𝗦𝗘𝗡𝗧𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Tinalakay sa naganap na Media Information Session for Pangasinan Media ang mga kaalaamang nakapaloob ukol sa larangan ng pera at pagbabangko na pinangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kabilang sa mga tinutukang isyu ang ukol sa Digitalization, Basic Central Banking Concepts, Financial Consumer Protection Act (FCPA) maging ang Cryptocurrency, kaalaman ukol sa inflation at iba pa.

Ipinaliwanag sa forum ang pag-iimplementa ng mga polisiya sa mga licenced BSP Services Institutions (BSIs) na siyang magsisilbing gabay at proteksyon para sa mga bangkong pinag-iimbakan at may kalakalan sa pera.

Binigyang diin ng mga kinatawan ng BSP na bilang financial consumer, maaaring isangguni na sa kanilang tanggapan ang anumang reklamo o gusot kung hindi ito masagot o masolusyunan ng naturang BSIs o ang bangkong ginagamit.

Samantala, nagpaalala rin ang BSP ukol sa mga nagkalat na mga scams sa bangko maging sa mga online transactions ang mahigpit na pagprotekta sa personal na mga impormasyon upang maiwasan na maging biktima ng mga scammers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments