
Cauayan City – Ipinamalas ng mga kabataan mula sa Barangay Catotoran Sur, Camalaniugan ang malasakit sa komunidad matapos magsagawa ng boluntaryong clean-up drive sa bagong tayong Camalaniugan-Aparri Bridge.
Pinangunahan ng grupong TULAY KO, DALUS KO (TKDK) ang paglilinis sa paligid ng tulay kung saan sabay-sabay nilang tinipon ang mga nagkalat na basura upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng nasabing lugar.
Sa pahayag, sinabi ni Oh-Dope Altar, isang tattoo artist at tagapagtatag ng TKDK, na
layunin ng kanilang inisyatiba na pangalagaan ang kapaligiran, lalo na ang bagong imprastraktura na mahalaga sa komunidad.
Dagdag pa niya, nais din nilang magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na aktibong makilahok sa mga gawaing makakabuti sa kalikasan at sa kanilang lugar.
Hinikayat naman ni Altar ang publiko, partikular ang mga kabataan, na makiisa sa mga katulad na aktibidad upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang Camalaniugan-Aparri Bridge.
Nanawagan din siya sa mga bumibita sa lugar na iwasan ang pagtatapon ng basura at ang paninira sa mga pampublikong pasilidad.
Ang naturang clean-up drive ay isinagawa kasunod ng mga ulat sa social media hinggil sa umano’y bandalismo na ginawa ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal sa bagong tayong tulay.
Ayon sa grupo, ang kanilang pagkilos ay patunay na ang kabataan ay maaaring maging bahagi ng solusyon sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa komunidad.
Source: CPIO
Photo Courtesy: Oh Dope Altar/Mang Carding DL
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










