Kasabay ng pagpapaigting sa seguridad laban sa mga NPA sa bansa, muling hinikayat ang mga kabataan sa Ilocos Region partikular ang mga estudyante na maging reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Region 1.
Ayon kay BGEN, Ferdinand Melchor C. Dela Cruz, Brigade Commander ng 501st Infantry Valiant Brigade of 5th Infantry Star Division, nakikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines sa mga paaralan sa rehiyon para sa paglulunsad ng Information Education Program upang mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante ukol sa Reservist program ng ahensya.
Layunin ng ahensya na maihanda ang kabataan sa territorial defense at upang hindi sila magamit ng mga makakaliwang grupo.
Ang AFP Reserve Command ay isa sa major support command militar na itinayo sa layunin Reserve Force Management, procurement at organization na pangunahing tungkulin na sanayin ang potensyal ng isang indibidwal sa military reservists. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨