π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š π—–π—”π—¨π—”π—¬π—˜Γ‘π—’, π—œπ—‘π—”π—”π—‘π—¬π—”π—¬π—”π—›π—”π—‘π—š π— π—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—›π—’π—ž 𝗦𝗔 π—”π—žπ—§π—œπ—•π—œπ——π—”π—— π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗕𝗨π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘

Cauayan City – Inaanyayahan ngayon ang lahat ng mga kabataang CauayeΓ±o na makisaya at lumahok sa mga nakalatag na aktibidad sa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Cauayan City Sangguniang Kabataan President Camilo Taguinod Ballad, sinabi nito na iba’t-ibang mga aktibidad ang magaganap para sa isang buwang selebrasyon.

Ayon sakanya, hindi lamang simpleng mga activities ang magaganap dahil inklusibo ito para sa lahat ng kabataan sa lungsod ng Cauayan.


Ilan lamang sa mga tampok na aktibidad na nakatakdang isagawa ay ang Project One More Chance para sa mga Child in Conflict with the Law sa bahay Pagasa, Job Fair 2024, Banda-siklaban, Inter-School Quiz, Kabataang CauayeΓ±os Got Talent, at ang 10 Outstanding Kabataang CauayeΓ±os.

Samantala, upang maging updated sa mga anunsyo at aktibidad hinihikayat ang lahat na bisitahin ang official Facebook Page ng LYDO, ang Local Youth Development Office-Cauayan City.

Facebook Comments