𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

CAUAYAN CITY- Kasalukuyang isinasagawa ngayon ng NIA-MARIIS ang Kadiwa ng Pangulo sa MARIIS Division I sa Batal, Santiago City.

Tampok sa naturang aktibidad ang iba’t-ibang produkto ng mga magsasaka katulad ng gulay, prutas, at iba pa.

Kabilang rin dito ang bigas na nabibili sa murang halaga na Php29/kilo na mabibili ng mga vulnerable sector na kinabibilangan ng senior citizens, solo parents, persons with disabilities, at 4Ps beneficiaries.


Samantala, kinakailangan lamang na magdala ng kaukulang ID na nagpapatunay na kabilang sa grupong benepisyaryo ng programa.

Facebook Comments