𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗗𝗘𝗧𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝟭

Binigyang diin ng Department of Health – Center for Health Region 1 ang kahalagahan ng early detection ng problema sa mata upang agad matugunan ang posible ng sakit sa kabila na rin ng pagdiriwang ng Sight Saving Month.

Ayon sa tanggapan, Sa pamamagitan rin ng early detection ay mas mapapadali at mas makakamura sa pinagdadaanang treatment dahil nalaman ng maaga ang problema sa mata.

Nito lamang ay nakapagsagawa ang kagawaran ng vision screening sa mga grade school students at mayroon ring mga isinagawang eye screening para sa mga senior citizens sa rehiyon.
Maliban dito, namigay din ang kagawaran ng reading glasses na malaking tulong sa mga lolo at lola sa kanilang araw-araw na gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments