Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Field Office 1 ang kahalagahan ng pagsusumite ng mga local government units sa mga probinsya sa rehiyon ng mga kasalukuyang report at sitwasyon ng mga apektadong pamilya tuwing nakararanas ng sama ng panahon.
Ayon kay Social Welfare Office II, Disaster Response Management Division, Field Office 1 Jeany Buteng-Dayag, sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga LGUs.
Importante rin aniya na malaman ng tanggapan ang mga evacuation centers na pansamantalang tutuluyan ng mga evacuees bilang bahagi rin ito ng kanilang technical assistance sa mga local government units at nang sa gayon ay maibigay ang mga pangangailangan ng mga mga evacuees.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 88,163 family food packs at nasa higit 21,000 naman ang family non-food items ang nakahanda at nakalagak sa dalawampung regional at satellite warehouse sa rehiyon kung saan anim dito ay sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨