𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦; 𝟭𝟴𝟰 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦

Nailikas ang nasa halos dalawang daang mga residente sa Alaminos City bilang paghahanda sa epekto ni Bagyong Kristine. Mula ang mga evacuees sa Brgy. Mona at Pangapisan na pawang mga coastal barangays sa lungsod.

Kaugnay nito, tiniyak ng Alaminos City Disaster Risk Reduction Management Council ang kahandaan ng kanilang pamunuan partikular ang response cluster ng tanggapan.

Patuloy ang pagsasagawa ng roving operation at pre-emptive evacuation ng lokal na pamahalaan lalo na sa mga posibleng makaranas pa ng banta ng bagyo.

Muling hinimok ng awtoridad ang publiko na magtungo ang mga apektadong residente sa pinakamalapit na Evacuation Center ngayong nararamdaman ang mas lumalakas na hangin kasabay pa ng pagkawala ng kuryente.

Tiniyak din ang tulong mula sa LGU ng mga residenteng wala sa evacuation centers ngunit apektado ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments