Wednesday, February 4, 2026

‎𝗞𝗔𝗜 𝗦𝗢𝗧𝗧𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘

‎Cauayan City – Muling nagpakitang-gilas si Kai Sotto sa Koshigaya Alphas matapos gumaling sa ACL injury, kung saan nagtala siya ng 20 points at 14 rebounds kasama ang dalawang assists at isang block upang pangunahan ang kanyang team sa panalo nilang 81-80 kontra Levanga Hokkaido.

‎Ipinakita ni Sotto ang kanyang determinasyon at husay sa court, ilang buwan matapos sumailalim sa operasyon at rehabilitation.

‎Nakabawi rin ang Alphas mula sa pagkatalo sa parehong koponan sa nakaraang laro, at ipinakita ni Sotto na handa na muli siyang magbigay ng impact sa court.

‎Samantala, magandang balita rin ito para sa Gilas Pilipinas, na makakaasa na sa serbisyo ni Sotto sa FIBA World Cup Asian Qualifiers laban sa malalakas na koponan tulad ng Australia at New Zealand.

‎ ‎—————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments