Pinasinayaan noong araw ng sabado ang kakaibang disenyo ng barangay hall sa Brgy. Amansabina Mangaldan.
Nagkaroon ng Isang kompetisyon upang maisakatuparan Ang naturang disenyo nito.
Makikita sa bagong architectural design ang pindang o ang carabao meat kung saan kilala sa nasabing bayan.
Ayon kay Pangasinan 4th District Congressman Christopher Toff De Venecia, mahalaga umano ang industriya ng arkitektura dahil nagpapakita ito ng kultura, kasaysayan, tradisyon at sining ng bayan.
Aniya, ang kabataan naman umano ay may mahalagang gampanin sa pagpapayabong ng creative industry sa bansa.
Ang naturang gusali ay dinisenyo ni Arch. Joy Mosarbas, isa ring lokal ng Mangaldan na nagwagi sa naturang patimpalak at nag-uwi ng 50,000.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments